Friday, December 6, 2013

About patrick

Nagkakilala kami thru facebook. Nag chat nagbolahan. At nag banat lines hanggang sa umuwi siya ng pilipinas nagkita kami sa sm bicutan. Akala niya bakla ako haha. Nakasakay kami sa trycicle. Nagtataka ako kung may mabaho amoy. Yun pala dahil umutot siya. Di naman ako na disapoint. Tuwang tuwa nga ko yun. Kaso may issue ako nalaman nagtext sa phone niya yun barkada niya. Nasaktan ako sa nalaman ko. Pero di ko akalain sasaktan niya sarili niya. Ang gaan gaan ng loob ko sakanya kaya bumigay aq sa mga halik niya.. Minahal ko na siya kaagad . Ramdam ko yun una palang na magiging masaya ako sa kanya. Hanggang sa ilan beses na siya umuwi ng pinas para makita ako. 
Sa bawat uwi niya may mga pangarp kami binuo. 
Wala siya pagkukulang sakin. 
Binigay niya lahat lahat ng sakanya para sakin. Pati para sarili niya binigay niya na din.. 
Dahil sa sobrang kabaitan niya lumaki naman ang ulo ko.. 
Alam niyo ba. AKO ANG BABAENG WALANG KUWENTA.
Totok yan. 

Ang dami ko ginawa sakanya. 
Minumura ko siya.nilalait.minamaliit. 
Nagsisinungaling. Niloloko. Ginagago 
Sinisra ko pa siya sa iba. 
Sinasakal. Hinusgahan.
At simula pa yun una. Di na ko inintindi na lalaki pala siya.. 
Pinagbawalan ko siya sa lahat nilayo sa lahat pati sa pamilya niya.. 
Makasarili ako. Sariling kaligayahan lang inintindi ko. Sinasabi ko mahal ko siya pero di ko naipakita noon sakanya.. 
Ngayon dec 05 2013.
Lumayo na siya sakin.. 
Dahil pagod na siya sa ugali ko. 
Sana huli nga ang pagsisisi. 
Nasaktan ko siya araw araw. 
Ang lupet ko. 
Wala na ko ginawa sakanya. Kunde pahirapan siya
Halos 2 taon na siya nagtiis sa hayop na ugali ko.. 
Paano paba ito.. 
Gusto ko maipakita sakanya na magbabago na ko pero 
Lumayo siya sakin. 
Ngayon ko lang nairealize na ganito pala sakanya..

Dec 27 2013
Dapat kami ikakasal.. 
Cancel niya t di ko siya masisisi
Dahil kasalanan ko.. Dahil napakawalang hiya ko.


Nalaman ko sa sarili ko na mahal na mahal ko siya na di ko pala kaya mawala siya :( 
Gusto ko magkaayus kami pero umaayaw na siya sakin
Gusto ko pagpilitan pero di na pede. 
Gusto ko maibalik kami sa dati kaso di na pede
Patrick. Kung mababasa mo lang ito. Sobra kung pinagsisisihan ang lahat. Patawarin moko sa pagiging hayop ko sayo. Magbabago ko. 
Wag ka lang mawala.walang gabi o araw na di ko ito pinagsisisihan.. 
Di ko na alam ano pa gagawin ko. 
Gusto ko maikasal sayo para magkasama na tayo. Pero umayaw kana sakin.. 
Mahal na mahal kita. Bigyan moko ng pagkakataon. At ituloy natin ang kasal 
Mahal kita. Patawarin muna ko

No comments:

Post a Comment